[Intro]
[Follow chords in lyrics for tune of the song
[Tempo: Slow & Eerie (6/8 time signature)]
[Chords Reference: Am - G - F - E]
[Verse 1]
[Am - G - F - E]
May sumpa ang sumpaan na ikakasal sa kakahuyan
Kalahating tao, kalahating kabayo na nilalang
May ulan kasi sa tanghali habang araw ay tirik na tirik
Luha ng saya o iyak ng tikbalang lalagay na sa tahimik
[Hook 1]
[E- Am - F - E]
Mag pasintabi kung 'di sigurado kung mag wi, w,i wi [Bigkas may diin sa huling'Wi' ex. hi, hi, ngi,]
Ang 'di-nakikita, sa dilim baka matapakan o masagi
Tabi-tabi po, sa punso ay magpasintabi
Baka Ikaw ay magsisi kapag sa iyo ay may lumaki
[Chorus 1]
[C - G - Am - F]
O, mundong nakatago sa mga saradong mata pa
Maligno at engkanto, sa gabi ay ating kasama
Huwag mong ituturo ang mga kakaibang puno
Ikaw pasimuno iba ituturo baka ma matanda ka o ma-nuno
[Interlude]
[Am -G -F - G -]
[Verse 2]
Am - G - F - E)
Sa malaking Balete, naroon ang malaking kapre
Kapal ng usok sa laki ng tabakong sinde-sinde
Huwag kang mag-iingay o dahilan para s'ya maguluhan
Baka sa 'yo maibaling ang selos n'ya kay tikbalang
[Hook 2]
[E - Am - F - G -]
Mag pasintabi kung 'di sigurado kung mag wi, w,i wi [Bigkas may diin sa huling'Wi' ex. hi, hi, ngi,]
Ang 'di-nakikita, sa dilim baka matapakan o masagi
Tabi-tabi po, sa punso ay magpasintabi
Baka Ikaw ay magsisi kapag sa iyo ay may lumaki
[Chorus 2]
[C - G - Am - F -]
O, mundong nakatago sa mga saradong mata pa
Maligno at engkanto, sa gabi ay ating kasama
Huwag mong ituturo ang mga kakaibang puno
Ikaw pasimuno iba ituturo baka ma matanda ka o ma-nuno
[Bridge 1]
[Dm - Am - Dm - E]
Kung ikaw ay maligaw para lang paikot-ikot
Baligtarin mo ang damit bago mo ulit isuo
Napapaglaruan ka ng bantay ng kalikasan
S'ya naman malilito kaya tama na dadaanan
[Adlib]
[C- G - Am - E-]
[Verse 3]
Ang Nuno sa punso, matandang nakamasid
Sa bawat hakbang mo, pwede kang mapatid
Huwag mong aapakan ang munting kaharian
Upang ang sakit at sumpa ay iyong maiwasan
[Hook 3]
Mag pasintabi kung 'di sigurado kung mag wi, w,i wi [Bigkas may diin sa huling'Wi' ex. hi, hi, ngi,]
Ang 'di-nakikita, sa dilim baka matapakan o masagi
Tabi-tabi po, sa punso ay magpasintabi
Baka Ikaw ay magsisi kapag sa iyo ay may lumaki
[Chorus 3]
O, mundong nakatago sa mga saradong mata pa
Maligno at engkanto, sa gabi ay ating kasama
Huwag mong ituturo ang mga kakaibang puno
Ikaw pasimuno iba ituturo baka ma mata ka o ma-nuno
[Interlude]
[Am -G -F - G -]
[Verse 4]
Ang Tiyanak ay iiyak, akala mo ay sanggol
Ngunit ang matalim na ngipin, sa iyo ay hahabol
Misteryong nababalot ng ating kasaysayan
Mga malignong bantay ng ating natatanging kalikasan.
[Outro]
[Spoken words but with little tune like nursery rhymes]
Tabi-tabi po, lolo, lola
Pati kayo po ,ti yo, ti ya
Kayo rin po ba, ya yo, ya ya
Opo nga pala, ah te, ku ya;
Tabi-tabi po, lolo, lola
Ta eh-ta eh po, uh uh, ah ah [May diin bigkas ng huling uh at ah]
Laki-laki po, te te, pla pla
Ta ta ta bi po, pe pe, pa ho
[Male Vocal]