[Intro]
[Verse 1]
Sa tilaok Ng manok
Ako'y napalunok
Pagkat sa isip ko'y
Ikaw ang pumasok
[Verse 2]
Binuksan ko ang ilaw
Ako'y biglang nasilaw
Wala kasing matanaw
ang hanap ay Ikaw
[Chorus]
Mag-uumaga na pala haahahaah
May panibago ng problema
Pamalit sa 'king pangangamba
Na baka sa iba ka na nagsasaya
[Interlude]
[Verse 3]
'Di lalabas ng bahay
Tamad ng tumambay
Wala kasing buhay
lalo't naghihintay
[Verse 4]
Magsisindi ng yosi
Hindi mapakali
Sa litratong tinabi
malayo ka kasi
[Chorus]
Mag-uumaga na pala haahahaah
May panibago ng problema
Pamalit sa 'king pangangamba
Na baka sa iba ka na nagsasaya
[Adlib] [Guitar Solo]
[Coda]
Laging binabasa
Sulat mo sa akin sinta
Kahit saulo na
Hindi nagsa sa wahhh
[Chorus]
Mag-uumaga na pala haahahaah
May panibago ng problema
Pamalit sa 'king pangangamba
Na baka sa iba ka na nagsasaya
[Chorus]
Mag-uumaga na pala haahahaah
May panibago ng problema
Pamalit sa 'king pangangamba
Na baka sa iba ka na
Na baka sa iba ka na hah
Na baka sa iba ka na,
Nagsasaya.
[Outro] [Whisper voice] [Spoken words]
Mahal, pasensya na kung ganito ang pagmamahal ko sa 'yo
Simula naman maging Tayo 'di pa rin ako nagbabago
Masyado lang ako nasanay sa mga ginagawa natin nung magkasama pa Tayo
Ikaw ba Mahal, ganun ka pa rin ba sa akin o nilimot mo na yata Ng tuluyan ako
Ano man o ano pa, patuloy Ka pa ring nandito sa puso ko
Bakit kaya napaka hirap sayo Ang mangumusta man lang
O baka may gusto Kang Sabihin para alam ko na kung Meron pa ba akong aasahan
Sige Mahal ko, lagi Kang mag-iingat at lagi mong tatandaan
Kapag ako na lang Ang nag-iisang lalaki sa mundo
Hindi ka na pupunta pa sa mahabang pila makausap lang ako
Hahayawn ko na sila maglaway sa akin at
Isasama na kita sa aking Mundo,
Kung saan Hindi na Tayo magkakalayo pa Mahal ko. Hmmmmm...