[Intro]
[Verse]
Madilim Ang paligid kahit may liwanag
Kandila ka sa buhay ko ba't nawalan ng sinag
Dati na sa akin ay nagbibigay inspirasyon
Ngayon ay hinayaan mong 'di na makaahon
[Verse]
Kahit isipin ko pa ang ating nakaraan
'Di pa rin makuntento lalo lamang nasasaktan
Wala nang umaawat sa mga mali at gulo
Napabayaan nang lahat pati ang sarili ko
[Chorus]
Palubog na ang araw kahit 'wag nang lumitaw
Wala nang halaga itong aking buhay
Ngayong wala ka na ano pa ang gagawin?
Ika'y napamahal na sa akin
[Interlude]
[Verse]
Lahat ng kwento ko'y wala ng nakikinig
Wala ng nangungurot kapag ako'y nangungulit
Mga kanta na para lamang sa'ting dalawa
Ngayo'y kinakanta kahit hindi ka na kasama
[Chorus]
Palubog na ang araw kahit 'wag nang lumitaw
Wala nang halaga itong aking buhay...
Ngayong wala ka na!!! ano pa ang gagawin!!!
Ika'y napamahal na sa akin!
[Bridge]
Anong igaganda na ng miserableng umaga !!!
Kung dilim ng kapighatian lang din dahil Wala ka na!!!
Sobrang pagdurugo ng puso at pasakit ang nararamdaman
Nababalot na ako ng kalungkutan! Nababalot ng kalungkutan!!! Kalungkutan!!!!! [Shout] [Crying]
[Instrumental]
[Intense]
[Verse]
Gusto kitang maramdaman tulad ng nakaraan
Gusto ko 'yung nalulunod pa tayo sa kaligayahan
Gusto kong marinig na tinatawag mo ako
Miss ko na ang lahat-lahat sa"yo pati kilos at mga ginagawa mo