Verse 1
Halika ka na, tumagay ka na
Wag ka nang pa-senti, ex mo wala na
Ilapag ang baso, ilabas ang pulutan
Kahit chichirya lang, ayos na ‘yan. .
Pre-Chorus
Salinan mo ako ng alak
Punuin mo ang baso kong kanina pa naghihintay
Nakahanda na ba ang kwento?
Halika, simulan na natin ‘yan,
Chorus
Tagay lang nang tagay, kalimutan ang problema
Tawa lang nang tawa, kahit walang pera
Sa kanto,may ilaw na medyo madilim
Dito tunay ang saya, walang halong lihim
Tagay pa more, kahit medyo hilo na
Diretso shot, wag nang umarte pa
Sa upuan na medyo sira
Dito ang saya—kahit sabog ang mukha
Verse 2
Hoy ikaw, bat tahimik ka d’yan?
Nag-iisip ka na naman ng kabaliwan?
Text mo na ‘yan, sige lang, go!
Pero pag sinupalpal ka, shot ka ulit bro .
May yabangan, may konting asaran
“Mas pogi ako” —ulol!, tumigil ka na d’yan
Pero sa dulo, kahit bardagulan
Ikaw pa rin ang sasamahan pauwi, kahit gumagapang.
Pre-Chorus 2
Ikaw naman, ikaw na ang magbuhos
Kwento mo naman ang papakinggan ng buong tropa
Walang huhusga, walang plastikan
Dito lahat pantay-pantay lang.
Chorus 2
Tagay lang nang tagay, kalimutan ang problema
Tawa lang nang tawa, kahit walang pera
Sa kanto,may ilaw na medyo madilim
Dito tunay ang saya, walang halong lihim
Tagay pa more, kahit medyo hilo na
Diretso shot, wag nang umarte pa
Sa upuan na medyo sira
Dito ang saya—kahit sabog ang mukha
[Bridge] (rap)
Ambag muna bago inom, oy!
Wag puro laklak, wala namang abuloy...
Pag naubos, wag magtago sa gilid
Ikaw ang next round—wag kang madulas, ang kulit!
Kung masuka ka, okay lang bro,
Picture muna bago tulungan tumayo.
Ganito talaga pag tropa ang kasama
Walang plastikan. —walanghiya!!!
(hahahah)
Final Chorus
Tagay lang nang tagay, hanggang sumikat ang araw
Kahit paos ang boses, sigaw pa rin ng "shot! Tara!
Sa kanto, sa simpleng tagpuan
Dito nabubuo ang samahang walang hanggan
Outro
Halika ka na, tumagay pa
Isang oras pa bago mag-umaga
Pag may problema, dito ka lang
Sa tambayan… may tatanggap sa’yo, kaibigan......