

Prompt / Lyrics
Verse 1 Nakita kitang nakatawa sa gitna ng gulo, Pero sa mata mo’y may lungkot na di mo matatanggi Parang may laban kang di mo masabi kahit kailan Ngumingiti ka, pero puso mo’y may luha Pre-Chorus Kilalang-kilala ko ang ganyang anyo Dahil ganyan din ako, tulad mo, may aninong pagod Chorus Pareho tayong wasak, ikaw at ako Magkaibang sugat pero parehong totoo Sapagkagat ng dilim, sa pag sikat ng araw Kahit hirap na hirap, tuloy pa rin ngayon Oo, bali man tayo, di tuluyang nawawala May tibok pa rin ang pusong nadarama Pareho tayong wasak… Pero ‘di nag-iisa, walang taong buo, dahil lahat tayo’y wasak sa ibat ibang paraan Verse 2 Di ka man magsalita, ramdam ko ang bigat Sa bawat katahimikan, may kwentong sugatan Mga alaala mong pilit mong tinatakasan Pero sa puso mo’y paulit-ulit bumabalik Pre-Chorus Hindi mo kailangang magkunwari Kita kita—totoo ka sa’kin Chorus Pareho tayong wasak, ikaw at ako Magkaibang landas pero parehong lito Natuto na lang tayong mabuhay Kahit ang sakit ay di nawawalay Oo, bali man tayo, di tuluyang nawawala May pag-asa pa sa pusong nadarama Pareho tayong wasak… Pero ‘di nag-iisa, walang taong buo, dahil lahat tayo’y wasak sa ibat ibang paraan Bridge Baka ang pagiging wasak ay simula rin Ng paghilom na matagal nang hinihiling Dahan-dahan, bubuuin ang dangal, hindi man sakto, Subalit heto susubok muli
Tags
60s jazz-pop fusion, Beatles-inspired, smooth and classy jazz feel, piano-led arrangement with jazzy chord extensions
3:38
No
4/5/2026