Verse 1
Sa bawat galaw mo, tumutigil ang mundo
Sa bawat ngiti mo, parang may mahika rito
Bawat tawa, bawat tingin
Para akong lutang, parang nasa paraiso rin
Bukod-tanging ikaw
Ang nakakagawa nito sa’kin.
Pre-Chorus
Hindi ko ’to sinasadya
Wala akong kasalanan dito
Ikaw ang may gawa
Ba’t ka ba ganyan ngumiti, ha?
Chorus
Paano ko ba mapipigilan ito? oh-oh-oh
Alam kong mali ito, oh-oh-oh
Walang patutunguhan itong nadarama ko
Kahit hanggang dulo, siguradong hindi tayo
Pero bakit ganito? oh-oh-oh
Kahit bawal, gusto pa rin kita sa totoo.
Verse 2
Kunwari chill lang ako
Kunwari wala lang ’to
Pero bakit pag nakikita ka
Parang may drumroll sa puso ko?
Isang “hello” mo lang
Buong na ang araw ko-
Pre-Chorus 2
Kung sandali lang ’to
Hayaan mo na muna
Kahit alam ko na
Sa dulo, masakit ang resulta
Chorus
Paano ko ba mapipigilan ito? oh-oh-oh
Alam kong mali ito, oh-oh-oh
Walang patutunguhan itong nadarama ko
Kahit hanggang dulo, siguradong hindi tayo
Pero bakit ganito? oh-oh-oh
Kahit bawal, gusto pa rin kita sa totoo.
Bridge
Kung bawal, bakit parang tama?
Kung mali, ba’t ang saya?
Kung hindi pwede, bakit parang-
Ikaw pa rin ang gusto ko.......
Last Chorus / Outro
Oh-oh-oh… oh-oh-oh…
delikado, ha-ha
Oh-oh-oh… oh-oh-oh…
Bawal pero ang saya, yeah-yeah-yeah
Oh-oh-oh… oh-oh-oh…
Siguradong hindi tayo…
Pero gusto ko pa rin ito, oh-oh-oh!