Verse 1
Isip kong litong-lito,
Puso ko’y gulong-gulo.
Pag ika’y dumaan sa harap ko,
Parang time na nagso-slow mo.
Di ko alam kung saan titingin,
Sa mata mo o sa ngiti mong kay lambing
Bawat galaw mo’y parang eksena,
Na paulit-ulit sa alaala.
Pre-Chorus
Kabang-kaba sa presensya mo,
Parang exam na ‘di ko kabisado.
Pero kahit simpleng “Hey” lang galing sa’yo,
Pakiramdam ko, buo na ang araw ko.
Chorus
Natutulala sa ngiti mong banayad,
Parang langit na bumaba’t dumaan.
Di ko na alam kung anong sagot,
Sa bawat tanong ng pusong nanlalambot.
Verse 2
Natatameme na naman ako,
Walang masabi—tulala sa’yo.
Utak ko’y wala nang iba,
Puro pangalan mo na lang talaga.
Gusto mang magsalita ng diretso,
Mga salita ko’y naliligaw sa’yo.
Sa dami ng gustong ipagtapat,
Nauuwi lang sa titig na sapat.
Pre-Chorus 2
Gusto kitang kausapin ng totoo,
‘Yung walang kaba, ‘yung deretso.
Pero bakit ba sa tuwing lalapit ka,
Ako’y nauutal, na para bang bata?
Final Chorus
Natutulala sa ngiti mong banayad,
Parang langit na bumaba’t dumaan.
Di ko na alam kung anong sagot,
Sa bawat tanong ng pusong nanlalambot.
Outro
Bakit ba ganito ang puso ko?
Kapag nand’yan ka, nagugulo.
Sa dinami-rami ng puwedeng mahalin,
Bakit ikaw pa—'yung di puwedeng maging akin.....