Intro (adlibs):
Yeah—
oh-oh
ito chismis, makinig!
Verse 1:
Mag-ingat sa kaibigang nagpapanggap
mabait pag kaharap, sa likod may balak
pag ika’y nalingat, biglang lumalabas
ang tunay na anyo, mapanlinlang ang tabas -
ng mukha . . hahaha!
Buti na lang matalas ang mata ko
nakita ko agad pekeng galaw mo.
ngiti mong plastik, tunog kalawang na bakal
Balat nagpapalit, parang ahas—
Mukha kang demonyo, oo, halata
kahit anong filter, di kayang itama
tawa mo tunog “hehe” pero may tama
hindi ka nakakagulat— nakakatawa ka.
Pre-Chorus:
Tahimik lang ako, nagmamasid
ikaw puro kwento, laging may saltik.
akala mo safe ka, akala mo clean
pero kita ko dumi mo kahit low-key
Chorus (Trap hook):
Galawang inosente— fake,fake
ngiting mabait— trap, trap
pag kaharap, kaibigan— clap, clap
pag nakatalikod, traydor— run,run
Galawang inosente—fake, fake
di ako tanga—wait, wait
kilala na kita—checkmate
game over na—too late
Verse 2:
Sa harap parang kapatid,
sa likod may balak na masama
konting sulyap lang ng tsansa,
nilalaglag mo na pala
di mo alam, matagal na kitang binabasa,
bawat galaw mo, bawat eksena.
di ako papa-biktima sa drama mo,
sanay ako sa mga tulad mo.
Bridge:
Smile ka pa, go lang
maskara mo pudpod na, so done.
akala mo panalo ka,
pero pangalan mo naka-save na— “DO NOT TRUST” yun
Chorus:
Galawang inosente— fake,fake
ngiting mabait— trap, trap
sa harap kaibigan— clap, clap
sa likod mo traydor— run,run
di ako tanga—wait, wait
kilala na kita—checkmate
game over na—too late
Outro:
Kamag-anak ako ng Dyablo— di ko tinatago
ikaw?—
Halika dito sa impyerno.