---
Verse 1
Ang daming tumatakbo sa isipan
Nakakahilo, nakakalito ang dahilan
Wala sa mood, mainit ang ulo
’Wag mo ’kong kausapin—
dun ka muna sa dulo
Pre-Chorus
Hindi ko kailangan ng tanong mo ngayon
Hindi ko rin hanap ang opinyon
Kung di mo kayang makiramdam
Mas mabuti pang umatras ka na lang
Chorus
Dun ka muna sa dulo,
’wag kang sisingit sa gulo
Pagod na ’kong intindihin
lahat ng paulit-ulit na dahilan mo
Dun ka muna sa dulo,
hayaan mo ’kong huminga
Kung wala ka namang balak magsabi ng totoo
tumahimik ka na lang muna
Verse 2
Paulit-ulit na lang ang eksena
Gagawa ka ng istorya
Kwentong scripted, halata ko na -
Kaya pakiusap tumigil ka na.
Pre-Chorus 2
Hindi lahat kailangang ipaliwanag
Hindi lahat kayang intindihin agad
Napapagod na ako.
Kaya konting katahimikan ang hanap ko
Chorus
Dun ka muna sa dulo,
’wag kang sisingit sa gulo
Pagod na ’kong intindihin
lahat ng paulit-ulit na dahilan mo
Dun ka muna sa dulo,
hayaan mo ’kong huminga
Kung wala ka namang balak umunawa
tumahimik ka na lang muna
Bridge
Hindi ako galit —
Kahit mga salita mo’y paikot ikot lang
Sabi mo’y ayos, sabi mo’y okay
Pero sa dulo nagmumukha ka lang sinungaling .
Final Chorus
Dun ka muna sa dulo,
hanggang matuto kang makinig
Hindi ’to drama, hindi ’to arte
tao lang din ako, napapagod din
Dun ka muna sa dulo,
hanggang kaya mo nang makita
Na hindi Tama yang ginagawa mo.
Outro
Ang daming tumatakbo sa isipan
At malabo pa rin ang dahilan
Kung hindi mo kayang magsabi ng totoo
Dun ka muna sa dulo….