

Prompt / Lyrics
[Intro – Soft grunge guitar + ambient hum] Minsan kahit tahimik lang, nakakapagod na Pero ayokong maramdaman ng iba yung lungkot na meron ako [Verse 1] Gusto kong mapasaya lahat Pero baka yun lang yung parte ko na sanay mag-please ng tao O baka naman, yung parte ko na Ayaw lang makita ang iba na malungkot— Katulad ng lungkot na itinatago ko Iba-iba kasi gusto ng mga kaibigan ko Sinusubukan kong sabayan, pero nakakadrain Lagi akong kasama ng isang grupo Pero napapalayo na ako sa iba Dati ang dami naming kasama Pero sobrang dami, parang nawawala na ako [Pre-Chorus] Ngayon, halos wala na akong oras para sa kanila Pakiramdam ko, ang pangit kong kaibigan Pero nami-miss ko pa rin… Yung mga gabing natutulog lang sa Discord call Kahit tahimik lang, sapat na [Chorus] Hindi ko kailangan na maintindihan mo lahat Gusto ko lang malaman mong sinusubukan ko Gusto ko lang… na nandiyan pa rin Hindi ko kailangang maging nakakatawa Hindi ko kailangang maging magaling Gusto ko lang marinig minsan: "Okay lang kahit hindi mo mapasaya lahat." [Break – Soft vocal FX and ambient loop] Hindi na ako natutulog sa call kasama sila Pero nami-miss ko pa rin yung ganun [Verse 2] Nakakapagod yung may pinipili kang grupo Kapag nandoon ako, may kasamang guilt Parang background noise lang ako palagi Pero di ko na marinig kung ano talaga yung gusto ko Pag mag-isa naman ako, sobrang lungkot Hinahanap ko yung boses ng mga tao Kahit virtual lang, kahit wala kaming ginagawa Mas safe pa rin yung feeling kaysa sa totoong mundo [Pre-Chorus] Alam kong hindi ako yung pinaka-best na kaibigan Pero minsan, gusto ko lang marinig na: "Salamat sa pag-stay" Kahit wala naman akong sinabi [Chorus – Repeat with more vocal emotion] Hindi ko kailangan na maintindihan mo lahat Gusto ko lang malaman mong sinusubukan ko Gusto ko lang… na nandiyan pa rin Hindi ko kailangang maging nakakatawa Hindi ko kailangang maging magaling Gusto ko lang marinig minsan: "Okay lang kahit hindi mo mapasaya lahat." [Bridge – Lo-fi keys + fading guitar riff] Minsan sapat na yung naka-on lang mic mo O yung tahimik lang tayo sa call Ramdam ko pa rin, hindi ako nag-iisa [Outro – Soft ambient fadeout] Wala naman akong kailangang gawin Yung nandiyan ka lang… sapat na 'yon
Tags
Catchy pop punk, emotional emo rap, soft grunge, emo pop, raspy female, live
3:12
No
7/27/2025