[Intro]
[Verse 1]
Sa mga sandaling ito,
nababalutan na ako ng lungkot
sa pangungulila ko sa 'yo
Sa magagandang bagay na ginagawa mo,
wala ng papalit sa 'yo
Na may halaga bago mo iwan ang mundo
Patulugin mo na rin ako, oh, baby ko!
[Hook]
Ang 'yong mukha,
ang 'yong mga kilos,
Ang 'yong mga salita,
ang `yong katawan,
Ang 'yong mga halik,
ang 'yong mga yakap,
Ang 'yong init,
ang 'yong kagandahan
[Pre-Chorus]
Wala na Dito...
Ang buo mong Pagkatao!
[Chorus]
Kaya pagdating ng gabi
Puno ng pighati't paninimdim
Nagluluksa sa buwan,
lumuluha sa dilim
At pagsapit ng umaga
puro dalamhati't alalahanin
Sa haring araw na nakikiramay
sa liwanag n'yang wala nang lilinawin;
Ba't may gan'tong senaryong dagok sa atin
Para bang nawala ang lahat sa akin.
Walang gandang aasahan pa na darating
isa na lang ang nabubuo sa'akin
Kung sarili ko ang tatanungin
Ano'ng saysay ng buhay natin
at ng mga nakapiling
Kung ito rin sa atin ay babawiin...
[Post-Chorus]
'Yung Gabing nagpalitan tayo ng, I Love You
'Yung Gabing 'di ko alam, bumabagabag sa'yo
'Yung Gabing pinikit mo ang 'yong mga mata
Pagtapos nang huling halik at yakap na natin pala;
Pinagmasdan ko pa pagtulog mo at ako'y naidlip na
'Yung Oras na pabangon-bangon ako may ibang nadarama
Gigisingin na sana kita sa pag-aalala
Pero 'di ka na dumilat at...
'di na rin humihinga
[Interlude]
[Verse 2]
'Yung mga sandaling ayokong maalala pa
nung kalungkuta'y nagsimulang buma-lot na
Sa biglaang pangyayaring 'di ko iniisip pa,
kaya nanahimik
Pero bigat ng haharapin, akin ng dama,
na 'di ka na maibabalik
Baby ko, sorry 'di kita kayang ibalik
[Hook]
Ang 'yong mukha,
ang 'yong mga kilos,
Ang 'yong mga salita,
ang `yong katawan,
Ang 'yong mga halik,
ang 'yong mga yakap,
Ang 'yong init,
ang 'yong kagandahan
[Pre-Chorus]
Wala na Dito...
Ang buo mong Pagkatao!
[Chorus]
Kaya pagdating ng gabi
Puno ng pighati't paninimdim
Nagluluksa sa buwan,
lumuluha sa dilim
At pagsapit ng umaga
puro dalamhati't alalahanin
Sa haring araw na nakikiramay
sa liwanag n'yang wala nang lilinawin;
Ba't may gan'tong senaryong dagok sa atin
Para bang nawala ang lahat sa akin.
Walang gandang aasahan pa na darating
isa na lang ang nabubuo sa'akin
Kung sarili ko ang tatanungin
Ano'ng saysay ng buhay natin
at ng mga nakapiling
Kung ito rin sa atin ay babawiin...
[Post-Chorus]
'Yung Gabing nagpalitan tayo ng, I Love You
'Yung Gabing 'di ko alam, bumabagabag sa'yo
'Yung Gabing pinikit mo ang 'yong mga mata
Pagtapos nang huling halik at yakap na natin pala;
Pinagmasdan ko pa pagtulog mo at ako'y naidlip na
'Yung Oras na pabangon-bangon ako may ibang nadarama
Gigisingin na sana kita sa pag-aalala
Pero 'di ka na gumagalaw at 'di na nagsalita pa
[Outro] [Soft voice] [Whisper]
Oo, alam ko,
nararamdaman lagi kita
Nakikita kita, ilang beses na,
sa araw-araw ay kasa-kasama paghawak-hawak mo, pagtabi mo sa kama
Nakatingin sa mga bata at yayakap ka
Magigising sila, ramdam ka rin nila
Ooh, hmm...
Baby ko, kitakits sa finals ha.
[Male Vocal]